News

Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa inilunsad ng STCS

August 31, 2023

ni: Kyla Edgianna B. Edillo

 

Ngayong araw, ika-30 ng Agosto, ipinagdiriwang ang Buwan ng Wikang Pambansa bilang pakikiisa sa Pampanguluhang Proklamasyon Bilang 1041 upang maiangat ang kamalayan ng mga mamamayang Pilipino ukol sa wika at kasaysayan nito. 

Pinangunahan nila Bb. Patricia Marie Lacuarin at G. Carl Casiño ang programa. Sinundan ito ng pambungad na panalangin at pambungad na pananalita. Sa kanyang pahayag, tinapos ito ni Ginoong Romar B. Reyes, ang punong-guro, sa mga katagang “Wikang nagbubuklod sa atin ay Wikang Filipino.”

Sa unang bahagi ng programa, itinampok ang iba’t ibang talento ng mga estudyante sa pre-kinder hanggang baitang tatlo sa kanilang KULAYsayan, Philippine Flag Making, Patimpalak sa Pagkanta at Patimpalak sa Pagtula. 

Ang mga nanalo sa patimpalak na KULAYsayan ay sina Jewel Osorio (Gold), Chad Matthew B. Dela Cruz (Silver), at Roghine Joellian Vallido (Bronze). 

Para naman sa Philippine Flag Making ay sina Athena Graynne S. Noval (Gold), Mavy Patrice D. Ong (Silver), at Llord Kristoff S. Dumo (Bronze). 

Para naman sa Patimpalak sa Pagkanta ay ang Pre-Kinder (Gold), Grade 3 (Silver), at Grade 1 & 2 (Bronze). 

At para naman sa Patimpalak sa Pagtula ay sina Nathalia Torres (Gold), Riley Drei A. Lacson (Silver), at Sean Aiden Agudelo (Bronze). 

Sa ikalawang bahagi ng programa, nagpakitang gilas naman ang baitang apat hanggang ika-labindalawa, binahagi nila ang kanilang talento sa Pagguhit ng Poster, Paglikha ng Slogan, Biglaang Talumpati, Pagsulat ng Sanaysay, Spoken Poetry, Sabayang Pagbigkas, Patimpalak sa Pagkanta, at Deklamasyon.  

Ang mga nanalo sa patimpalak na Pagguhit ng Poster para sa kategoryang pang-elementarya ay sina Lance Isaac Venner Pobre (Gold), Reikamei Nakajima (Silver), at Rina Sofia Faustino (Bronze). Sa kaparehas na patimpalak para sa kategoryang pang-sekondarya ay sina Jeromuel Delgado (Gold), Eunicia Baniqued (Silver), at Eunize Viason & Jewell Villanueva (Bronze). 

Para naman sa Paglikha ng Slogan ay sina Merry Jane Rodriguez (Gold), Xyron Ezekiel Prim, (Silver), at Rafael C. Vicente (Bronze). 

Para naman sa Biglaang Talumpati ay sina Rdriannson Wenceslao (Gold), Keith Howard Episioco & John Louiz Caballero (Silver), at Miguel Acosta (Bronze). 

Para naman sa Pagsulat ng Sanaysay ay sina Ramilyn Tupas (Gold), Dhea Amielei Brosas (Silver), at Rdriannson Wenceslao (Bronze). 

Para naman sa Spoken Poetry ay sina Myla Buhi (Gold), Enshrill Lacson (Silver), at Lorraine Casor (Bronze). 

Para naman sa Sabayang Pagbigkas sa kategoryang ng Junior High School ay ang Grade 9 (Gold), Grade 10 (Silver), at Grade 8 (Bronze). Sa kaparehas na patimpalak para sa kategorya ng Senior High School ay ang Grade 12 (Gold), Grade 11A (Silver), at Grade 11B (Bronze). 

Para naman sa Patimpalak sa Pagkanta sa kategoryang pang-elementarya ay sina Sheander Magsino (Gold), Lance Isaac Venner Pobre (Silver), at Katie Suzie Rible (Bronze). Sa kaparehas na patimpalak para sa Junior High School ay sina Alyssa Santos (Gold), Marco Lorino (Silver), at Gelanie Araga (Bronze), at para sa Senior High School ay sina Zycka Rivera (Gold), Maria Teresita Salmo (Silver), at Michaella Morados (Bronze). 

At para naman sa Deklamasyon ay sina Gium Shei Castillo (Gold), Ashley Lambon & Merry Jane Rodriguez (Silver), at Brianne Rose M. Baat (Bronze). 

Pinangunahan naman ni Bb. Charlenne G. Roque ang pangwakas na pananalita, ayon sa kanya siya ay nagpapasalamat sa mga estudyante, guro, at mga magulang para sa kanilang aktibong partisipasyon sa mga inihandang aktibidad. Natapos ang pagdiriwang sa mga ilang anunsyo at pangwakas na panalangin.